Type at least 2 characters to search
No results found for ""
Courses
Lessons
navigate open
See all results →

Lesson

Playlist

Introduksiyon sa Apologetics

Introduksiyon sa Apologetics

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Introduksiyon sa Apologetics

Lead Writer: Mark Bird

Course Description

Itinuturo ng kursong ito ang batayang pang-agham, pangkasaysayan, at pilosopiko para sa pananaw sa mundo ng Kristiyano, at ipinapakita kung paano ang pananampalatayang Kristiyano ay naaayon sa katwiran at katotohanan.

What You'll Learn

Introduksiyon sa Apologetics
Mga Maling Kuro-kuro tungkol sa Apologetics
Mayroon Bang Dios?
Pangangatwiran Para sa Paglikha
Ang Pangkalahatang Argumento para sa Pananampalatayang Kristiyano
Mapagkakatiwalaan ang Bagong Tipan
Propesiya Tungkol sa Mesiyas at ang Muling Pagkabuhay
Ang Pag-Angkin ni Hesus na Siya ay Dios
Ang Pagiging Katangi-tangi ng Kristiyanismo sa Mundo ng mga Relihiyon

Course Objectives

(1) Upang maunawaan ang kaugnayan ng apologetics at ng Mabuting  Balita (Aralin 1)

(2) Upang tumugon sa mga karaniwang maling paniniwala tungkol sa apologetics (Aralin 2).

(3) Upang maunawaan ang mga ebidensiya o patunay na may Dios (Aralin 3)

(4) Upang pahalagahan ang mga ebidensiya ng paglikha (Aralin 4)

(5) Upang maisaulo ang pangkalahatang pangangatwiran sa katotohanan ng Kristiyanismo (Aralin 5)

(6) Upang kilalanin ang mga ebidensiya na mapagkakatiwalaan ang Bagong Tipan (Aralin 6)

(7) Upang kilalanin ang kahalagahan ng natupad na propesiya bilang patotoo sa pagiging Dios ni Jesus (Aralin 7)

(8) Upang i-evaluate ang ebidensiya ng Muling Pagkabuhay  ni Cristo Jesus (Aralin 7)

(9) Upang maunawaan ang pagpapahayag ni Jesus na Siya ay Dios, at ang angkop na tugon sa mga pahayag na iyon (Aralin  8)

(10) Upang tugunin ang mga tanong patungkol sa pagiging katangi-tangi ng pananampalatayang Kristiyano, ang doktrina ng Trinidad, animism, at ang kahahantungan ng mga hindi kailanman narinig ang mabuting Balita (Aralin 9)

Introduction

Mga Direksiyon para sa mga Lider ng Klase

Ipapahayag ng kursong ito ang pangunahing mga prinsipyo ng Apologetics.  Maglaan ng 90-120 minuto para sa klase, karagdagan sa oras para sa paggawa ng mga takdang aralin sa labas ng klase.

Istruktura ng Aralin

(1) Sa tuwing darating ka sa markang ►, itanong ang tanong na kasunod nito at hayaan ang mga mag-aaral na talakayin ang sagot.  Sikaping tiyakin na lahat ng estudyante sa klase ay nakikilahok sa talakayan.  Kung kinakailangan, maaari mong tawagin sa pangalan ang estudyante.

(2) Maraming footnotes ang tumutukoy sa reperensiya sa Kasulatan. Ipahanap sa mga estudyante ang mga talata at ipabasa ito sa panahon ng klase. Malibang ipahayag, ang mga quotations sa Kasulatan ay hinango sa English Standard Version (ESV) na Biblia.

(3) May mga tanong sa pagbabalik-aral sa dulo ng bawat leksiyon. Ang sagot sa mga tanong na ito ay matatagpuan sa likod ng course guide.  Mag-ukol ng oras upang pagbalik-aralan nang paulit-ulit ang  bawat tanong sa panahon ng klase.  Ang mga tanong na ito ay isasama sa mga pagsusulit.

(4) Ang bawat leksiyon ay magtataglay ng tatlong takdang-aralin.

Ang unang takdang-aralin ay nakatuon sa ulo. Ang pagsusulit ay gagawin sa simula ng susunod na klase pagkatapos na makumpleto ang leksiyon. Dapat gawin ang mga pagsusulit nang hindi tinitingnan ang course book, ang mga isinulat na notes o pagtatanong sa mga kamag-aral.

Ang ikalawang pagsusulit ay nakatuon sa puso.  Nilalayon ng maiigsing pagsusulit na ito na ipaalala sa mga mag-aaral na ang isang tunay na apologetics ay nangungusap hindi lamang sa isipan, kundi sa puso rin. Ang mga takdang-araling ito kung minsan ay maaaring isang personal na patotoo.  Mag-ukol ng panahon sa klase upang ibahagi ang mga patotoong ito.

Ang ikatlong takdang-aralin ay nakatuon sa kamay. Ito ang pagkakataon ng mag-aaral upang maisabuhay ang kanilang natutunan sa klase.  Sa maraming kaparaanan, ito ang pinakamahalagang bahagi ng kurso.  Kapag hindi isinabuhay ng mga mag-aaral ang mga prinsipyong kanilang natutuhan sa klase, hindi nila gaanong maaalala ang mga takdang-aralin o maisasabuhay ang mga prinsipyo sa mga susunod pang mga panahon.  Mag-ukol ng oras upang talakayin ang mga takdang-araling ito sa bawat linggo.

Ready to Start Learning?

Choose a lesson to begin your journey through this course.